Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! OKTUBRE 2012

Magkaroon ng Goal

Magkaroon ng Goal

Ang pag-aaral ay nagiging mas makabuluhan—at mas nakaka-enjoy—kapag alam mo ang mapapakinabang mo rito.

ANG pag-aaral sa iskul nang walang goal ay parang pagtakbo sa isang takbuhang walang finish line. Ang sabi ng Bibliya: “Alamin mo kung saan ka pupunta.” (Kawikaan 4:26, Contemporary English Version) Kung may goal ka, tutulong ito sa iyo na makapagpokus at mas madaling makapag-adjust kapag nagtrabaho ka na. Paano ka magse-set ng goal?

Tanungin ang iyong sarili, ‘Ano ba ang plano kong maging hanapbuhay?’ Huwag ipagpaliban ang pagsagot sa tanong na iyan. Sa halip, magplano nang maaga. Bakit? Isipin ito: Kung magbibiyahe ka, kailangan mo munang pagpasiyahan kung saan ka pupunta. Pagkatapos, titingin ka sa mapa at aalamin ang pinakamagandang ruta papunta roon. Parang ganiyan din sa pag-aaral. Pag-isipan kung anong trabaho ang gusto mo, saka pumili ng kurso na tutulong sa iyo na makuha iyon.

Babala: Ang gusto lang trabaho ng maraming kabataan ay yaong hilig nila—halimbawa, maging propesyonal na musician—dahil iniisip nilang boring ang ibang trabaho. Ano ba ang mga dapat mong isaalang-alang?

  1. Tingnan ang mga kakayahan mo. Halimbawa, nag-e-enjoy ka bang tumulong sa iba? Magaling ka ba sa pagmemekaniko? sa pagkukuwenta? sa pagbabadyet? sa pagre-repair?
  2. Pag-isipan ang mga opsyon mo. Anu-anong trabaho ang akma sa mga kakayahan mo? Ipakipag-usap sa iba ang mapagpipilian mo sa halip na magpokus lang sa “pangarap” mong trabaho. At maging praktikal. Halimbawa, ang gusto mo bang trabaho ay makukuha rin sa ibang lugar, sakaling lumipat ka ng bahay? Magkakautang ka ba ng malaki dahil sa kukunin mong training?
  3. Alamin ang mga oportunidad na bukás sa iyo. Kapag alam mo na kung anong trabaho ang gusto mo, tingnan kung mayroon nito sa inyong lugar. May alam ka bang mga mapapasukan? Kung mayroon, tumatanggap ba sila ng trainee? May mga vocational training bang ibinibigay sa inyong lugar?

Tip: Magtanong sa iyong mga magulang, titser, at mga kaibigang adulto. Tumingin sa diyaryo o sa Internet.

Mahalagang tandaan: Kung may goal ka, magkakaroon ng direksiyon at layunin ang pag-aaral mo sa iskul.

Simulan mo na ngayon! Pag-isipan mo na ngayon, habang nag-aaral ka pa, ang tatlong puntong nabanggit. Isulat ang mga goal mo, at ipakipag-usap ito sa iyong mga magulang.

 

Higit Pang Impormasyon

Gusto Mo Na Bang Huminto sa Pag-aaral?

Dapat ka bang huminto sa pag-aaral? Ano muna ang dapat mong pag-isipan?

Sino ba Ako Talaga?

Apat na paraan para masuri mo kung sino ka talaga at kung ano ang pinaniniwalaan mo.