Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! OKTUBRE 2012

Maging Organisado

Maging Organisado

Sa kaunting pagsisikap lang na maging organisado, napakalaki na ng pakinabang—mas maraming panahon, walang gaanong stress, at mas matataas na grade.

IPAGHALIMBAWANG may bibilhin ka sa isang supermarket pero lahat ng paninda roon ay basta nakakalat lang. Gaano kaya katagal bago mo makita ang hinahanap mo? Hindi ba’t mas madaling maghanap kung nakaayos ang mga paninda at may karatula ang bawat seksiyon? Puwede mo ring sundin ang simulaing iyan sa iyong pag-aaral. Paano?

Gumawa ng iskedyul.

“Minsan, nakalimutan kong gawin ang homework kopati ang mga gawaing-bahay na iniutos sa akin—dahil nasa bahay ako ng kaibigan ko buong weekend,” ang sabi ng 18-anyos na si Zachary, na taga-Estados Unidos. “Kinalunisan, kinailangan kong makiusap sa mga titser ko kung puwede pa rin nilang tanggapin ang homework ko kahit late nang maipasa. Ngayon, gumagawa na ako ng listahan para maalala ko ang mga dapat kong tapusin.”

Ang paggawa ng listahan ay nakatulong din kay Celestine, isang kabataang babae sa Papua New Guinea. Ganito ang sinabi niya tungkol sa pag-aaral niya noon: “Gumagawa ako ng iskedyul ng lahat ng kailangan kong gawin, kasali na ang homework, exam, at iba ko pang activity. Dahil dito, alam ko kung ano ang mga dapat kong unahin at hindi ako nahuhuli sa deadline.”

Tip: Ilista sa maliit na notbuk ang mga gagawin mo, o i-save ito sa iyong cellphone o iba pang kagamitang elektroniko.

Huwag ipagpabukas ang gagawin mo.

Madaling sabihin, “Mamaya ko na lang ito gagawin.” Mas mabuting gawin agad ang mga bagay-bagay hangga’t maaari—lalo na ang iyong homework.

Tip: Gawin agad ang iyong homework pagdating ng bahay, bago ka manood ng TV o magrelaks.

Ayusin ang gamit mo.

Nangyari na ba sa iyo na nakarating ka sa iskul tapos natuklasan mong nakalimutan mo pala ang iyong notbuk, bolpen, o mga libro? Puwede mong maiwasan iyan! Paano? “Inaayos ko na ang bag ko bago pa pumasok sa iskul,” ang sabi ni Aung Myo Myat, isang kabataang lalaki na taga-Myanmar.

Tip: Panatilihing maayos ang bag mo para kung may hahanapin ka, madali mo itong makikita.

Mahalagang tandaan: Kung organisado ka, hindi ka mai-stress dahil late ka na, dahil may nakalimutan ka, o dahil gahol ka sa panahon para sa mahahalagang gawain.

Simulan mo na ngayon! Isipin kung saan mo kailangang maging organisado. Pagkatapos, kasama ng iyong magulang o kaibigan, pag-isipan ninyo kung paano ka magiging mas organisado sa bagay na iyon.

Higit Pang Impormasyon

Paano Mo Maiiwasan ang Pagpapaliban-liban?

Alamin ang mga tip kung paano maiiwasan ang pagpapaliban-liban!

Ang Dami ba ng Assignment Mo?

Para ka bang natatabunan na? Ano ang makakatulong sa iyo?

Matalinong Paggamit ng Panahon—Paano?

Ang isang paraan para matalinong magamit ang iyong panahon ay ang pagsusuri sa iyong buhay mula sa dalawang punto de vista. Ano ang mga iyon?