Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Gumising!  |  Oktubre 2012

Humingi ng Tulong

Humingi ng Tulong

Mahalaga na may nagpapayo at tumutulong sa iyo, hindi lang habang nag-aaral ka pa kundi pati sa mga gagawin mo kapag adulto ka na.

SINO ang makatutulong sa iyo sa pagsisikap mong makinabang sa pag-aaral?

Pamilya.

“Kapag kailangan ko ng tulong sa homework ko,” ang sabi ni Bruna, isang 18-anyos na taga-Brazil, “ipapaliwanag ni Daddy ang topic at pagkatapos, tatanungin niya ako hanggang sa makuha ko ang sagot.” *

Tip: Una muna, tanungin ang magulang mo kung gaano siya kagaling noon sa subject na nahihirapan ka. Kung mahusay siya sa subject na iyon, baka siya ang makatulong sa iyo.

Titser.

Maraming titser ang natutuwa kapag nalaman nilang gusto talagang matuto ng isang estudyante, at handa silang tumulong.

Tip: Puwede mong sabihin sa titser mo, “Nahihirapan po ako sa subject na ’to, pero gusto ko talaga itong maintindihan. Ano po ang maipapayo n’yo sa akin?”

Mentor.

Baka makatulong sa iyo ang isang mapagkakatiwalaang kaibigan ng inyong pamilya. May mga pakinabang dito: Una, may tutulong sa iyo; at ikalawa, matututo kang tumanggap ng tulong kung kailangan—isang bagay na mahalaga kahit adulto ka na. Ang totoo, karamihan ng tagumpay ay resulta ng pagtutulungan, hindi ng solong pagsisikap.Kawikaan 15:22.

Tip: Tanungin ang mga magulang mo kung sino ang puwede mong maging mentor.

Mahalagang tandaan: Hindi masamang humingi ng tulong!

Simulan mo na ngayon! Ilista ang dalawa o tatlong huwaran para sa iyo—mga taong nirerespeto mo. Matutulungan ka ba ng isa sa kanila sa mga gawain mo sa iskul?

^ par. 4 Puwede ring makatulong sa iyo ang ate o kuya mo.