Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! OKTUBRE 2008

Gumagamit ba ng Internet ang Iyong Anak?

Gumagamit ba ng Internet ang Iyong Anak?

 Gumagamit ba ng Internet ang Iyong Anak?

MILYUN-MILYONG kabataan ang gumagamit ng Internet anumang oras, sa bahay man, sa paaralan, sa bahay ng isang kaibigan, o—kung may gadyet sila o cell phone na nakakokonekta sa Internet—halos kahit saan. Kung isa kang magulang, napapaharap ka sa isang nakapangangambang realidad: Malamang na mas maraming alam sa Internet ang mga anak mo kaysa sa iyo, at maaaring kaya nilang itago sa iyo ang ginagawa nila sa Internet.

Dapat ka bang mangamba? Siyempre. Pero wala ka na bang magagawa? Mayroon. Baka iniisip mong napakahirap gumamit ng Internet, pero maaari ka pa ring matuto. At hindi mo naman kailangang maging eksperto sa elektroniks para maipagsanggalang ang iyong anak.

Ang serye ng mga artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng ilang praktikal na impormasyon hinggil sa bagay na iyan. Pero suriin muna natin ang ilang panganib na maaaring mapaharap sa iyong anak sa paggamit ng Internet.

[Blurb sa pahina 3]

▪ Sa Canada, halos kalahati ng lahat ng kabataang may cell phone ay nakakokonekta sa Internet