Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

GUMISING! SETYEMBRE 2008

Paano Mo Sasagutin?

Paano Mo Sasagutin?

 Paano Mo Sasagutin?

Ano ang Kulang sa Larawang Ito?

Basahin ang Apocalipsis 12:3. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-anong bagay na binabanggit sa teksto ang wala rito? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot, at idrowing ang nawawalang mga bagay upang makumpleto ang larawan.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

3. ․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Kanino lumalarawan ang dragong ito? Ano ang ginagawa niya sa buong tinatahanang lupa?

CLUE: Basahin ang Apocalipsis 12:9.

Mula sa Isyung Ito

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

PAHINA 3 Ano ang inilagay ng Diyos sa puso at isip ng tao? Eclesiastes 3:․․․

PAHINA 5 Ano ang kaloob na ibinibigay ng Diyos? Roma 6:․․․

PAHINA 21 Anu-anong relihiyosong titulo ang sinabi ni Jesus na hindi natin dapat gamitin? Mateo 23:․․․

PAHINA 27 Ano ang ginagawa ng isang matalinong tao? Kawikaan 22:․․․

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

Sino ang Kabilang sa Talaangkanan ni Jesus?

Tingnan ang mga clue. Basahin ang mga teksto. Saka isulat ang tamang mga pangalan.

4. ․․․․․

CLUE: Sinalakay ako ni Zera na Etiope kasama ang isang milyong lalaki, pero tinalo sila ni Jehova sa harap ko.

Basahin ang 2 Cronica 14:9-12.

5. ․․․․․

CLUE: Isinaayos ko ang pagtuturo ng Kautusan ni Jehova sa mga lunsod sa Juda.

Basahin ang 2 Cronica 17:1, 7-9.

6. ․․․․․

CLUE: Inilibing ako sa Lunsod ni David pero hindi sa libingan ng mga hari.

Basahin ang 2 Cronica 21:16-20.

▪ Nasa pahina 13 ang mga sagot

 MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Isang ulo at leeg.

2. Sampung sungay.

3. Pitong diadema.

4. Asa.—Mateo 1:7.

5. Jehosapat.—Mateo 1:8.

6. Jehoram.—Mateo 1:8.