Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ANG BANTAYAN BLG. 5 2016

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Kaharian ng Diyos?

NANINIWALA ANG ILAN na ito ay kumakatawan sa pamamahala ng Diyos sa puso ng isang tao; iniisip naman ng ilan na resulta ito ng pagsisikap ng mga tao na gawing mapayapa at nagkakaisa ang daigdig. Ano sa tingin mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. . . . Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito [ng tao].” (Daniel 2:44) Totoong gobyerno ang Kaharian ng Diyos.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Namamahala ang Kaharian ng Diyos mula sa langit.—Mateo 10:7; Lucas 10:9.

  • Ginagamit ng Diyos ang Kaharian para tuparin ang kaniyang layunin sa langit at sa lupa. —Mateo 6:10.

Kailan darating ang Kaharian ng Diyos?

ANO ANG SAGOT MO?

  • Hindi ko alam

  • Malapit na

  • Hindi na

ANG SABI NG BIBLIYA

“Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Kapag naipangaral na nang lubusan ang mabuting balita, wawakasan ng Kaharian ang masamang sistemang ito.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Walang sinuman dito sa lupa ang nakaaalam kung kailan eksaktong darating ang Kaharian ng Diyos.—Mateo 24:36.

  • Ipinakikita ng hula sa Bibliya na malapit nang dumating ang Kaharian.—Mateo 24:3, 7, 12.