Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, ang mga tao ay “makasusumpong . . . ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.”—Awit 37:11.

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Matutulungan ka ba ng Bibliya na maharap ang kabalisahan?

Ano ang sagot mo?

  • Oo

  • Hindi

  • Siguro

Ang sabi ng Bibliya

‘Ihagis ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.’ (1 Pedro 5:7) Tinitiyak ng Bibliya na matutulungan ka ng Diyos na harapin ang kabalisahan.

Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?

  • Sa tulong ng panalangin, magkakaroon ka ng “kapayapaan ng Diyos,” at mababawasan ang kabalisahan mo.—Filipos 4:6, 7.

  • Makatutulong din sa iyo ang pagbabasa ng Salita ng Diyos para makayanan ang stress.—Mateo 11:28-30.

Mawawala pa ba ang kabalisahan?

Naniniwala ang ilan . . . na bahagi na ng buhay ng tao ang kabalisahan at stress, samantalang naniniwala naman ang iba na mawawala lang ang kabalisahan sa kabilang-buhay. Ano sa palagay mo?

Ang sabi ng Bibliya

Aalisin ng Diyos ang mga dahilan ng kabalisahan. “Hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:4.

Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?