Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Setyembre 2017

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Bakit Mo Pinahahalagahan ang Dalisay na Pagsamba?

Bakit Mo Pinahahalagahan ang Dalisay na Pagsamba?

Napatibay ng pangitain ni Ezekiel tungkol sa templo ang mga tapong Judio dahil nagbigay ito sa kanila ng pag-asa na isasauli ang dalisay na pagsamba. Sa panahon natin, ang dalisay na pagsamba ay ‘matibay na natatag na mataas pa sa taluktok ng mga bundok,’ at kasama tayo sa mga taong nagmula sa mga bansa na humuhugos doon. (Isa 2:2) Regular mo bang binubulay-bulay ang pribilehiyong makilala at paglingkuran si Jehova?

MGA PAGPAPALA NG DALISAY NA PAGSAMBA:

  • Saganang espirituwal na pagkaing naglalaan ng sagot sa mahahalagang tanong sa buhay, praktikal na mga pamantayan, at tiyak na pag-asa.—Isa 48:17, 18; 65:13; Ro 15:4

  • Isang maibigin at pambuong-daigdig na kapatiran.—Aw 133:1; Ju 13:35

  • Ang pribilehiyong maging kamanggagawa ng Diyos sa isang makabuluhang gawain.—Gaw 20:35; 1Co 3:9

  • “Ang kapayapaan ng Diyos” na nagpapalakas sa atin sa mahihirap na panahon.—Fil 4:6, 7

  • Isang malinis na budhi.—2Ti 1:3

  • “Matalik na kaugnayan kay Jehova.”—Aw 25:14

Sa ano-anong paraan ko maipakikitang pinahahalagahan ko ang dalisay na pagsamba?