Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Setyembre 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kapag Bata ang Nagbukas ng Pinto

Kapag Bata ang Nagbukas ng Pinto

Kapag bata ang nagbukas ng pinto, dapat nating hilingin na makausap ang kaniyang mga magulang. Pagpapakita ito ng paggalang sa kanilang pagkaulo. (Kaw 6:20) Kung anyayahan tayo ng bata na pumasok, dapat tayong tumanggi. Kung wala ang mga magulang niya, dapat tayong bumalik sa ibang pagkakataon.

Kung ang anak ay mga 15 hanggang 19 anyos, angkop pa rin na itanong ang kaniyang mga magulang. Kung wala sila, puwede nating itanong kung pinapayagan siya ng mga magulang niyang pumili ng mga materyal na babasahin. Kung oo, maaari nating siyang alukan ng literatura at ituro sa kaniya ang jw.org/tl.

Sa pagdalaw-muli sa isang interesadong kabataan, dapat nating hilingin na makausap ang kaniyang mga magulang. Sa gayon, maipaliliwanag natin ang layunin ng ating pagdalaw at maipakikitang mapagkakatiwalaan at maaasahan ang payo ng Bibliya para sa mga pamilya. (Aw 119:86, 138) Ang paggalang at konsiderasyon natin sa mga magulang ay magandang patotoo at maaaring magbukas ng pagkakataon para ibahagi ang mabuting balita sa kanilang pamilya.—1Pe 2:12.