Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG SETYEMBRE 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paghimok sa mga Interesado na Dumalo sa mga Pulong

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paghimok sa mga Interesado na Dumalo sa mga Pulong

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Sa mga pulong, may mga pagkakataon tayo para ‘umawit kay Jehova’ at ‘pumuri sa kaniya.’ (Aw 149:1) Natuturuan tayo rito na gawin ang kalooban ng Diyos. (Aw 143:10) Kadalasan na, mas mabilis sumulong ang mga interesado at mga estudyante sa Bibliya kapag nagsimula na silang dumalo sa mga pulong.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Mag-imbita agad. Hindi mo kailangang hintayin na maitatag ang pag-aaral sa Bibliya bago gawin ito.—Apo 22:17

  • Ipaliwanag sa interesado ang aasahan niya at ang tatalakayin sa susunod na pulong. Ito ang ilang pantulong para rito: ang imbitasyon sa pulong ng kongregasyon, ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?, at ang aralin 5 at 7 ng brosyur na Kalooban ni Jehova

  • Mag-alok ng tulong. Kailangan ba niya ng masasakyan o angkop na maisusuot para sa pulong? Tabihan siya at i-share ang iyong mga publikasyon. Ipakilala siya sa iba