Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Setyembre 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 135-141

Kamangha-mangha ang Pagkakagawa sa Atin

Kamangha-mangha ang Pagkakagawa sa Atin

Binulay-bulay ni David ang mga ebidensiya ng mabubuting katangian ng Diyos na makikita sa Kaniyang mga nilikha. May-pagtitiwala niyang ginamit ang kaniyang buhay sa paglilingkod kay Jehova.

Nang magbulay-bulay si David tungkol sa paglalang, naudyukan siyang purihin si Jehova:

139:14

  • “Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin”

139:15

  • “Ang aking mga buto ay hindi nakubli sa iyo nang ako ay ginawa sa lihim, nang ako ay hinabi sa pinakamabababang bahagi ng lupa”

139:16

  • “Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito”