Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG PEBRERO 2017

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 63-66

Magdudulot ng Malaking Kagalakan ang mga Bagong Langit at Bagong Lupa

Magdudulot ng Malaking Kagalakan ang mga Bagong Langit at Bagong Lupa

Tiyak na matutupad ang pangako ng Diyos tungkol sa pagsasauli na nakaulat sa Isaias kabanata 65, anupat sinabi ito ni Jehova na parang natupad na.

Lumalang si Jehova ng mga bagong langit at bagong lupa, kung saan ang mga dating bagay ay hindi na aalalahanin

65:17

Ano ang mga bagong langit?

  • Isang bagong gobyerno na magdudulot ng katuwiran sa lupa

  • Itinatag ito noong 1914 nang iluklok si Kristo bilang Hari sa Kaharian ng Diyos

Ano ang bagong lupa?

  • Ito ang lipunan ng mga tao mula sa lahat ng bansa, wika, at lahi na nagpapasakop sa pamamahala ng bagong makalangit na gobyerno

Ano ang mga dating bagay na hindi na aalalahanin?

  • Ang ugat ng masasakit na alaala—pisikal, mental, at emosyonal na pagdurusa—ay mawawala na

  • Ang tapat na mga tao ay lubos na masisiyahan sa buhay, at magkakaroon sila ng magagandang alaala sa bawat araw