Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG PEBRERO 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Imbitahan sa Memoryal ang Lahat ng Tao sa Inyong Teritoryo!

Imbitahan sa Memoryal ang Lahat ng Tao sa Inyong Teritoryo!
PAGKAKAAYOS
Larawan
Text

Sa panahon ng kampanya na magsisimula sa Pebrero 27, aanyayahan natin ang pinakamaraming tao sa ating lugar hangga’t maaari para sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Dapat din nating bigyang-pansin ang sinumang nagpakita ng interes para malinang ito.

MGA PUWEDE MONG GAWIN

SABIHIN ANG IYONG PRESENTASYON

“Namamahagi kami ng imbitasyon para sa isang napakahalagang okasyon. Sa Marso 23, milyon-milyon sa buong mundo ang magtitipon para alalahanin ang kamatayan ni Jesu-Kristo at makapakinig ng isang libreng pahayag sa Bibliya tungkol sa pakinabang natin dito. Nasa imbitasyon ang oras at lugar ng pagtitipon. Sana makapunta kayo.”

Kapag nagpakita ng interes . . .

  • IALOK ANG BANTAYAN

    Ilatag ang pundasyon para sa pagdalaw-muli.

  • IPAPANOOD ANG VIDEO TUNGKOL SA MEMORYAL

    Ilatag ang pundasyon para sa pagdalaw-muli.

Pagbalik mo, puwede mong . . .

  • IPAPANOOD ANG BAKIT MAGANDANG MAG-ARAL NG BIBLIYA?

    Pagkatapos, ialok ang isang pantulong sa pag-aaral ng Bibliya.

  • IALOK ANG ANO BA TALAGA ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?

    Ipakita ang karagdagang impormasyon tungkol sa Memoryal, gamit ang pahina 206-208. Pagkatapos, ialok ang aklat.

  • IALOK ANG MAKINIG SA DIYOS AT MABUHAY MAGPAKAILANMAN

    Ipaliwanag kung paano makikinabang sa kamatayan ni Kristo, gamit ang pahina 18-19. Pagkatapos, ialok ang brosyur.