Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Oktubre 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Ginagamit Mo Bang Mabuti ang JW.ORG Contact Card?

Ginagamit Mo Bang Mabuti ang JW.ORG Contact Card?

Dahil malapit na ang malaking kapighatian, apurahan ang ating pangangaral. (Kaw 24:11, 12, 20) Maaari nating gamitin ang mga contact card para akayin ang pansin ng mga tao sa Salita ng Diyos at sa ating website. Ang card ay may code na naka-link sa video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? Hinihimok din nito ang mga tao na humiling ng higit pang impormasyon o ng pag-aaral sa Bibliya. Malamang na tumanggi ang ilan na tanggapin ang ating literatura pero gusto nilang bisitahin ang ating website. Huwag mag-atubiling bigyan sila ng contact card. Pero huwag mag-iwan ng mga contact card sa mga hindi nagpakita ng interes.

Sa iyong araw-araw na gawain, maaari mong makuha ang interes ng iba sa pagsasabi: “May gusto akong ibigay sa iyo. Ituturo sa iyo ng card na ito ang isang website na may libreng impormasyon at mga video tungkol sa iba’t ibang paksa.” (Ju 4:7) Dahil maliit lang ang mga contact card, baka gusto mong magdala ng ilang kopya para maibahagi sa bawat pagkakataon.