Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Nobyembre 2017

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Aral Mula sa Aklat ng Jonas

Mga Aral Mula sa Aklat ng Jonas

Sa kaniyang Salita, iningatan ni Jehova ang talambuhay ng mga lalaki at babaeng may pananampalataya para turuan tayo ng mahahalagang aral. (Ro 15:4) Ano ang natutuhan mo sa aklat ng Jonas? Panoorin ang video na Pampamilyang Pagsamba: Jonas—Matuto Mula sa Awa ni Jehova. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong:

  • Anong mga hamon ang napaharap sa tatlong mamamahayag sa video?

  • Paano tayo mapatitibay ng aklat ng Jonas kapag dinisiplina tayo o nawalan ng pribilehiyo? (1Sa 16:7; Jon 3:1, 2)

  • Paano tayo matutulungan ng ulat tungkol kay Jonas na mapanatili ang positibong pananaw sa ating teritoryo? (Jon 4:11; Mat 5:7)

  • Paano tayo mapatitibay ng karanasan ni Jonas kapag may malubha tayong sakit? (Jon 2:1, 2, 7, 9)

  • Ano ang natutuhan mo sa video na ito tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay?