Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG NOBYEMBRE 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Kabataan—Huwag Ipagpaliban ang Pagpasok sa “Malaking Pinto”

Mga Kabataan—Huwag Ipagpaliban ang Pagpasok sa “Malaking Pinto”

Baka iniisip natin na lagi tayong malakas at hindi na natin daranasin sa sanlibutang ito ni Satanas ang “kapaha-pahamak na mga araw” na kaakibat ng pagtanda. (Ec 12:1) Kung isa kang kabataan, iniisip mo bang napakarami mo pang panahon para pag-isipan ang espirituwal na mga tunguhin gaya ng pagpasok sa buong-panahong ministeryo?

“Ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit” sa ating lahat, pati na sa mga kabataan. (Ec 9:11) “Hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging buhay ninyo bukas.” (San 4:14) Kaya hangga’t maaari, huwag ipagpaliban ang espirituwal na mga tunguhin. Pumasok sa “malaking pinto na umaakay sa gawain” habang may pagkakataon ka pa. (1Co 16:9) Hindi mo ito pagsisisihan.

Ilang tunguhin na puwedeng abutin:

  • Pangangaral sa ibang wika

  • Pagpapayunir

  • Pagpasok sa mga teokratikong paaralan

  • Paglilingkod sa konstruksiyon

  • Paglilingkod sa Bethel

  • Paglilingkod sa gawaing pansirkito

Isulat ang mga tunguhin mo.