Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Mayo 2017

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 39-43

Ibibigay ni Jehova sa Bawat Isa ang Ayon sa Kaniyang mga Gawa

Ibibigay ni Jehova sa Bawat Isa ang Ayon sa Kaniyang mga Gawa

Sinuway ni Zedekias ang utos ni Jehova na sumuko sa Babilonya

39:4-7

  • Pinatay sa harap ni Zedekias ang mga anak niya. Pagkatapos ay binulag siya, iginapos ng mga pangaw na tanso, at ibinilanggo sa Babilonya hanggang sa mamatay

Nagtiwala si Ebed-melec kay Jehova at nagmalasakit sa Kaniyang propeta na si Jeremias

39:15-18

  • Nangako si Jehova na iingatan niya si Ebed-melec kapag winasak ang Juda

Buong-tapang na nangaral si Jeremias sa loob ng maraming taon bago wasakin ang Jerusalem

40:1-6

  • Pinrotektahan ni Jehova si Jeremias nang kubkubin ang Jerusalem at gumawa ng paraan si Jehova para palayain siya ng mga Babilonyo