Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG MAYO 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOB 38-42

Ang Pananalangin Para sa Iba ay Nakalulugod kay Jehova

Ang Pananalangin Para sa Iba ay Nakalulugod kay Jehova

Inaasahan ni Jehova na ipananalangin ni Job sina Elipaz, Bildad, at Zopar

42:7-10

  • Sinabi ni Jehova kina Elipaz, Bildad, at Zopar na pumunta kay Job at maghandog ng haing sinusunog

  • Inaasahang mananalangin si Job alang-alang sa kanila

  • Matapos silang ipanalangin ni Job, pinagpala siya

Lubusang pinagpala ni Jehova si Job dahil sa kaniyang pananampalataya at pagbabata

42:10-17

  • Inalis ni Jehova ang kapighatian ni Job, at ibinalik ang kaniyang kalusugan

  • Pagkatapos ng lahat ng pagdurusang dinanas ni Job, tumanggap siya ng tunay na kaaliwan mula sa mga kaibigan at kamag-anak

  • Ibinalik ni Jehova ang kasaganaan ni Job, doble ng nawala sa kaniya

  • Si Job at ang kaniyang asawa ay nagkaroon ng 10 anak

  • Nabuhay pa si Job ng 140 taon at nakita niya ang apat na salinlahi ng kaniyang angkan