Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Marso 2017

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Gagamitin ang Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman

Kung Paano Gagamitin ang Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman

Dinisenyo ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman para maituro sa mga taong di-gaanong marunong bumasa ang saligang katotohanan sa Bibliya sa pamamagitan ng mga larawan. Maaari itong gamitin ng mga estudyanteng di-gaanong marunong bumasa. Maraming pahina ang may kahon na naglalaman ng karagdagang impormasyon na maaaring talakayin depende sa kakayahan ng estudyante.

Maaaring ialok ang brosyur na ito, kahit na hindi ito ang alok para sa buwan. Kapag nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya, gamitin ang mga larawan para maipaliwanag ang mga ulat sa Bibliya. Magbangon ng tanong para matiyak mo kung nauunawaan ng estudyante ang pinag-aaralan. Basahin at talakayin ang mga teksto na nasa ibaba ng bawat pahina. Kapag natapos na ang brosyur, pag-aralan ang Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? para sumulong ang iyong estudyante tungo sa bautismo.