Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG MARSO 2016

 MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Gumawa ng Sariling Presentasyon ng Magasin

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Gumawa ng Sariling Presentasyon ng Magasin
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Bagaman ang mga sampol na presentasyon sa workbook para sa pulong ay naglalaan ng mahahalagang ideya, mga mungkahi lang ito. Dapat kang gumamit ng sariling pananalita. Baka gusto mong subukan ang ibang paraan o ibang paksa na mas epektibo sa inyong lugar. Kung gayon, pagkatapos mong mabasa ang magasin, maisaalang-alang ang sampol na presentasyon, at mapanood ang mga pagtatanghal sa video, puwede mong gamitin ang sumusunod na mga mungkahi para makagawa ng iyong presentasyon.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

Tanungin ang sarili, ‘Gusto ko bang gamitin ang isa sa mga sampol na presentasyon?’

OO

  • Maghanda ng iyong pambungad. Pagkatapos bumati, sabihin sa maikli kung bakit ka dumalaw. (Halimbawa: “Nandito ako kasi . . .”)

  • Isipin kung paano mo iuugnay ang tanong sa teksto at sa alok. (Halimbawa: Bago banggitin ang teksto, puwede mong sabihin: “May magandang sagot dito ang Bibliya.”)

HINDI

  • Pumili ng paksa mula sa magasin na magugustuhan sa inyong teritoryo

  • Gumamit ng punto-de-vistang tanong na gaganyak sa may-bahay na mag-isip at makipag-usap, pero hindi naman hihiya sa kaniya. (Halimbawa: Ang mga tanong sa pahina 2 ng mga magasin.)

  • Pumili ng tekstong babasahin. (Kung Gumising! ang iaalok mo, puwedeng hindi magbasa ng teksto dahil ang magasing ito ay dinisenyo para sa mga walang gaanong alam sa Bibliya at wala pa ngang tiwala sa relihiyon.)

  • Ipaliwanag sa isa o dalawang pangungusap kung paano makikinabang ang may-bahay sa pagbabasa ng artikulo

ANUMAN ANG PILIIN MO

  • Maghanda ng tanong na sasagutin sa pagdalaw-muli

  • Gumawa ng nota para matandaan ang gusto mong sabihin sa susunod