Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Marso 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ESTHER 6-10

Mas Mahalaga kay Esther si Jehova at ang Kaniyang Bayan

Mas Mahalaga kay Esther si Jehova at ang Kaniyang Bayan
PAGKAKAAYOS
Text
Larawan

Si Esther ay matapang at di-makasarili sa pagtatanggol kay Jehova at sa Kaniyang bayan

8:3-5, 9

  • Ligtas na sina Esther at Mardokeo. Pero ang utos ni Haman na patayin ang lahat ng Judio ay naipadala na sa buong imperyo

  • Muling isinapanganib ni Esther ang kaniyang buhay, at humarap sa hari nang walang paanyaya. Tumangis siya para sa kaniyang mga kababayan at nakiusap sa hari na pawalang-bisa ang utos

  • Ang kautusan na may lagda ng hari ay hindi na puwedeng bawiin. Kaya binigyang-awtoridad ng hari sina Esther at Mardokeo na gumawa ng isang bagong kautusan

Isang malaking tagumpay ang ibinigay ni Jehova sa kaniyang bayan

8:10-14, 17

  • Naglabas ng ikalawang utos na nagbibigay-karapatan sa mga Judio na ipagtanggol ang kanilang sarili

  • Sakay ng mga kabayo, mabilis na inihatid ito sa buong imperyo, at naghanda ang mga Judio sa pakikipaglaban

  • Nakita ng marami ang ebidensiya ng pagsang-ayon ng Diyos at naging mga proselitang Judio