Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Marso 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOB 1-5

Nanatiling Tapat si Job sa Ilalim ng Pagsubok

Nanatiling Tapat si Job sa Ilalim ng Pagsubok

Nakatira si Job sa Uz noong ang mga Israelita ay alipin sa Ehipto. Kahit hindi isang Israelita si Job, tapat na mananamba siya ni Jehova. Malaki ang pamilya niya, napakayaman, at maimpluwensiya siya sa kanilang komunidad. Isa siyang iginagalang na tagapayo at patas na hukom. Bukas-palad siya sa mahihirap at nangangailangan. Si Job ay isang tapat na lalaki.

Maliwanag na ipinakita ni Job na si Jehova ang pinakamahalaga sa buhay niya

1:8-11, 22; 2:2-5

  • Napansin ni Satanas ang katapatan ni Job. Hindi niya itinanggi na masunurin si Job kay Jehova; sa halip, kinuwestiyon niya ang motibo ni Job

  • Sinabi ni Satanas na naglilingkod si Job kay Jehova dahil sa pansariling pakinabang

  • Para masagot ang paratang ni Satanas, hinayaan ni Jehova na subukin ni Satanas ang katapatan ni Job. Ginawang miserable ni Satanas ang buong buhay ni Job

  • Nang manatiling tapat si Job, kinuwestiyon naman ni Satanas ang katapatan ng lahat ng tao

  • Hindi nagkasala si Job ni nagpatungkol man sa Diyos ng anumang di-wasto