Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Hunyo 2017

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gaano Katibay ang Pananampalataya Mo sa mga Pangako ni Jehova?

Gaano Katibay ang Pananampalataya Mo sa mga Pangako ni Jehova?

Pinatunayan nina Josue at Solomon na walang isa mang salita sa mga pangako ni Jehova ang nabigo. (Jos 23:14; 1Ha 8:56) Ang patotoo ng dalawang saksing ito ay makapagpapatibay ng ating pananampalataya.—2Co 13:1; Tit 1:2.

Paano tinupad ni Jehova ang kaniyang mga pangako noong panahon ni Josue? Kasama ang iyong pamilya, panoorin ang video drama na ‘Walang Isa Mang Salita ang Nabigo.’ Pagkatapos, talakayin ang sumusunod na mga tanong: (1) Paano mo matutularan ang pananampalataya ni Rahab? (Heb 11:31; San 2:24-26) (2) Paano pinatutunayan ng halimbawa ni Acan na ang sadyang pagsuway ay umaakay sa kapahamakan? (3) Bakit nilinlang ng mga lalaki ng Gibeon si Josue, at bakit sila nakipagpayapaan sa Israel kahit mandirigma sila? (4) Paano nagkatotoo ang pananalita ni Jehova nang pagbantaan ng limang haring Amorita ang Israel? (Jos 10:5-14) (5) Paano ka tinutulungan ni Jehova habang inuuna mo sa iyong buhay ang kaniyang Kaharian at katuwiran?—Mat 6:33.

Habang binubulay-bulay natin ang mga ginawa, ginagawa, at gagawin pa ni Jehova, lalong tumitibay ang ating pananampalataya sa kaniyang mga pangako.—Ro 8:31, 32.

Katulad ba ng pananampalataya ni Josue ang pananampalataya mo?