Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Hunyo 2017

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 51-52

Natutupad ang Bawat Detalye ng mga Pananalita ni Jehova

Natutupad ang Bawat Detalye ng mga Pananalita ni Jehova

Eksaktong inihula ni Jehova ang mga mangyayari sa hinaharap

Mámamanà na kabilang sa bantay ng hari ng Persia

“Pakinisin ang mga palaso”

51:11, 28

  • Mahuhusay na mámamanà ang mga Medo at Persiano, at búsog ang kanilang pangunahing sandata. Pinakikinis nila ang kanilang mga palaso para bumaon nang mas malalim

“Ang makapangyarihang mga lalaki ng Babilonya ay tumigil sa paglaban”

51:30

  • Sinasabi ng Nabonidus Chronicle: “Ang hukbo ni Ciro ay pumasok sa Babilonya nang walang pagbabaka.” Malamang na nangangahulugan ito na hindi nagkaroon ng malaking labanan at kaayon ito ng hula ni Jeremias

Nabonidus Chronicle

“Ang Babilonya ay magiging mga bunton ng mga bato [at] tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda”

51:37, 62

  • Noong 539 B.C.E., nagsimulang kumupas ang kaluwalhatian ng Babilonya. Binalak ni Alejandrong Dakila na gawing kabisera ang Babilonya, pero bigla siyang namatay. Sa simula ng panahong Kristiyano, may komunidad pa rin ng mga Judio roon, kaya may dahilan si apostol Pedro na dumalaw sa Babilonya. Pero pagsapit ng ikaapat na siglo C.E., gumuho na ang lunsod, at nang dakong huli ay hindi na ito umiral

Ano ang dapat maging epekto sa akin ng katuparan ng mga hula sa Bibliya?

 

Ano ang puwede kong ituro sa iba tungkol sa hulang ito?