Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG HUNYO 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 52-59

“Ihagis Mo ang Iyong Pasanin kay Jehova”

“Ihagis Mo ang Iyong Pasanin kay Jehova”

Dumanas si David ng maraming pagsubok sa buhay. Nang matapos niyang kathain ang Awit 55, nakaranas na siya ng . . .

  • Pang-iinsulto

  • Pang-uusig

  • Panunumbat ng Budhi

  • Trahedya sa Pamilya

  • Pagkakasakit

  • Pagtataksil

Kahit noong parang hindi na niya kaya ang pasanin niya, nakita ni David kung paano ito makakayanan. Sa sinumang may ganiyang problema, ipinayo ni David: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova.”

Paano natin maikakapit ang talatang ito sa ngayon?

55:22

  1. Ilapit kay Jehova sa taimtim na panalangin ang anumang problema, kabalisahan, o pagkabahala

  2. Humingi ng patnubay at tulong mula sa Salita ni Jehova at sa kaniyang organisasyon

  3. Gawin ang makatuwirang magagawa mo para gumaan ang sitwasyon ayon sa mga simulain sa Bibliya