9:62

Para makapag-araro nang tuwid, ang nag-aararo ay hindi dapat magambala ng mga bagay sa likuran niya. Ang mga Kristiyano rin ay hindi dapat magambala ng mga bagay sa sanlibutan na iniwan na nila.—Fil 3:13.

Kapag dumaranas ng mga problema, baka hanap-hanapin natin ang nakaraan, marahil noong wala pa tayo sa katotohanan. Baka isipin natin na hindi masyadong mabigat ang mga problema natin noon at mas masaya tayo. Iyan ang ginawa ng mga Israelita pagkalabas sa Ehipto. (Bil 11:5, 6) Kung laging ganiyan ang laman ng isip natin, baka matukso tayong bumalik sa dati nating buhay. Pero mas makabubuti kung bubulay-bulayin natin ang mga pagpapala natin ngayon at magpopokus sa magandang kinabukasan sa ilalim ng Kaharian.—2Co 4:16-18.