Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG HULYO 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pamumuhay Nang Simple—Nakatutulong sa Pagpuri sa Diyos

Pamumuhay Nang Simple—Nakatutulong sa Pagpuri sa Diyos

Sa ngayon, madaling maging komplikado ang buhay dahil sa maraming bagay. Kailangan ang panahon at lakas para bumili, magbayad, gumamit, magmantini, at mag-ingat ng mga pag-aari. Simple lang ang buhay ni Jesus kung kaya hindi nagagambala ng materyal na mga pag-aari ang kaniyang ministeryo.—Mat 8:20.

Paano mo mapasisimple ang buhay mo para mas marami kang magawa sa ministeryo? Baka may kapamilya kang puwedeng magpayunir. Kung naglilingkod ka na ngayon nang buong panahon, hinahayaan mo bang unti-unting maging komplikado ang buhay mo dahil sa materyal na mga bagay? Ang pamumuhay nang simple habang naglilingkod kay Jehova ay isang masaya at kontentong buhay.—1Ti 6:7-9.

Isulat ang mga paraan para mapasimple ang buhay mo.