Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Hulyo 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 74-78

Alalahanin ang mga Gawa ni Jehova

Alalahanin ang mga Gawa ni Jehova

Napakahalagang bulay-bulayin ang mabubuting bagay na ginawa ni Jehova

74:16; 77:6, 11, 12

  • Ang pagbubulay-bulay ay tumutulong sa atin na maunawaan ang ating binabasa sa Salita ng Diyos at magkaroon ng taimtim na pagpapahalaga sa espirituwal na pagkain

  • Ang malalim na pag-iisíp tungkol kay Jehova ay tumutulong sa atin na maalaala ang kaniyang kahanga-hangang mga gawa at ang pag-asang inilaan niya sa atin

Narito ang ilan sa mga gawa ni Jehova:

74:16, 17; 75:6, 7; 78:11-17

  • Paglalang

    Habang natututo tayo tungkol sa paglalang, lalong tumitindi ang paghanga natin kay Jehova

  • Mga inatasang lalaki sa kongregasyon

    Dapat tayong magpasakop sa mga inatasan ni Jehova na manguna sa atin

  • Pagliligtas

    Kapag iniisip natin ang mga pagliligtas ni Jehova, titibay ang pagtitiwala natin sa kaniyang pagnanais at kakayahang pangalagaan ang kaniyang mga lingkod