Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG HULYO 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gusto Mo Bang Subukan Nang Isang Taon?

Gusto Mo Bang Subukan Nang Isang Taon?

Ang ano? Mag-regular pioneer! Marami kang matatanggap na pagpapala! —Kaw 10:22.

KUNG PAYUNIR KA, . . .

  • magiging mahusay kang ebanghelisador at lalo kang mag-eenjoy sa ministeryo

  • titibay ang kaugnayan mo kay Jehova. Habang sinasabi mo sa iba ang tungkol kay Jehova, lalo mong naaalaala ang kahanga-hangang mga katangian niya

  • masisiyahan ka dahil mas inuuna mo ang kapakanan ng Kaharian kaysa sa iyong sarili at matutuwa ka dahil nagsasakripisyo ka para sa iba.—Mat 6:33; Gaw 20:35

  • makadadalo ka sa miting ng mga payunir sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, sa pantanging miting kaugnay ng pansirkitong asamblea, at sa Pioneer Service School

  • mas marami kang pagkakataong magkaroon ng mga Bible study

  • mas marami kang panahong makasama ang mga kapuwa mo mángangarál, at magpatibayan sa isa’t isa.—Ro 1:11, 12