Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Enero 2018

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 4-5

Mga Aral Mula sa Sermon ni Jesus sa Bundok

Mga Aral Mula sa Sermon ni Jesus sa Bundok

5:3

Palaisip ka ba sa espirituwal na pangangailangan mo?

Ang pananalitang “mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan” ay literal na nangangahulugang “mga pulubi para sa espiritu.” Maipakikita nating sabik tayong tumanggap ng espirituwal na tulong mula sa Diyos kapag . . .

  • binabasa natin ang Bibliya araw-araw

  • naghahanda at dumadalo tayo sa mga pulong Kristiyano

  • binabasa natin ang mga publikasyon, at hangga’t maaari, pati na ang mga impormasyon sa ating website

  • pinanonood natin ang programa ng JW Broadcasting kada buwan

Paano ko mapasusulong ang aking regular na pagkuha ng espirituwal na pagkain?