Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Enero 2018

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 8-9

Mahal ni Jesus ang mga Tao

Mahal ni Jesus ang mga Tao

Mababasa sa Mateo kabanata 8 at 9 ang bahagi ng ministeryo ni Jesus sa rehiyon ng Galilea. Nang pagalingin ni Jesus ang mga tao, ipinakita niya ang kapangyarihan niya, pero higit sa lahat, ipinakita niya ang kaniyang pag-ibig at habag sa iba.

  1. Pinagaling ni Jesus ang isang ketongin.—Mat 8:1-3

  2. Pinagaling niya ang isang alila ng opisyal ng hukbo.—Mat 8:5-13

    Pinagaling niya ang biyenang babae ni Pedro.—Mat 8:14, 15

    Nagpalayas siya ng mga demonyo at nagpagaling ng mga taong nagdurusa.—Mat 8:16, 17

  3. Pinalayas ni Jesus ang mabangis na mga demonyo at itinaboy ang mga ito sa isang kawan ng baboy.—Mat 8:28-32

  4. Pinagaling ni Jesus ang isang paralitiko.—Mat 9:1-8

    Pinagaling niya ang isang babaeng humipo sa kaniyang kasuotan, at binuhay niyang muli ang anak na babae ni Jairo.—Mat 9:18-26

    Pinagaling niya ang mga bulag at pipi.—Mat 9:27-34

  5. Nilibot ni Jesus ang mga lunsod at nayon, at pinagaling ang bawat uri ng karamdaman at kapansanan.—Mat 9:35, 36

Paano ko maipakikita ang higit na pag-ibig at habag sa mga tao?