Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG ENERO 2016

Sampol na Presentasyon

Sampol na Presentasyon

ANG BANTAYAN

Tanong: Sa tingin mo, bubuti kaya ang mundo kung susundin ng lahat ang prinsipyong ito?

Teksto: Heb 13:18

Alok: Hinihimok tayo ng Bibliya na maging tapat sa lahat ng bagay. Kaya apektado nito ang bawat bahagi ng ating buhay. Iyan ang paksa sa isyung ito ng Bantayan.

ANG BANTAYAN (likod ng magasin)

Tanong: Ano ang opinyon mo sa tanong na ito? [Basahin ang unang tanong.] Naniniwala ang ilan na kapag namatay ang isa, may humihiwalay sa kaniyang katawan at patuloy itong nabubuhay. Pero para sa iba, ang kamatayan ang wakas ng ating buhay. Ikaw, ano ang paniniwala mo?

Teksto: Ec 9:5

Alok: Ipinaliliwanag ng artikulong ito ang higit pa tungkol sa sinasabi ng Bibliya hinggil sa paksang ito. Pakisuyong basahin mo, saka natin pag-usapan sa ibang pagkakataon.

MAGANDANG BALITA MULA SA DIYOS!

Alok: Dumadalaw ako para ipaalám sa iyo na may programa kami ng libreng pag-aaral sa Bibliya. Tutulungan ka ng brosyur na ito na mahanap sa iyong Bibliya ang sagot sa mahahalagang tanong.

Tanong: Nakabasa ka na ba ng Bibliya? Ganito lang kadaling pag-aralan ang mga aralin sa brosyur na ito. [Talakayin ang tanong 1 sa aralin 2.]

Teksto: Apo 4:11

GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON

Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.