Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG ENERO 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EZRA 6-10

Gusto ni Jehova ng mga Lingkod na Handang Sumunod sa Kaniya

Gusto ni Jehova ng mga Lingkod na Handang Sumunod sa Kaniya

Naghanda si Ezra sa pagbabalik sa Jerusalem

7:6, 22; 8:26, 27

  • Si Ezra ay tumanggap ng pahintulot mula kay Haring Artajerjes na makabalik sa Jerusalem para pasulungin doon ang pagsamba kay Jehova

  • Ipinagkaloob ng hari kay Ezra ang “lahat ng kahilingan niya” para sa bahay ni Jehova—ginto, pilak, trigo, alak, langis, at asin, na nagkakahalaga ngayon nang mahigit $100,000,000 (U.S.)

Nagtiwala si Ezra na poprotektahan ni Jehova ang Kaniyang mga lingkod

7:13; 8:21-23

  • Mahirap ang paglalakbay pabalik sa Jerusalem

  • Ang posibleng ruta ay halos 1,600 kilometro (1,000 mi) at mapanganib ang teritoryong daraanan

  • Tumagal nang mga 4 na buwan ang paglalakbay

  • Ang mga nagsibalik ay dapat na may matibay na pananampalataya, sigasig sa tunay na pagsamba, at lakas ng loob

NAGLAKBAY SI EZRA DALA ANG . . .

Ginto at pilak na tumitimbang nang mahigit 750 talento, o kasimbigat ng mga 3 adultong elepante ng Aprika!

MGA HAMONG NAPAHARAP SA MGA NAGSIBALIK . . .

Mga pangkat ng mandarambong, disyerto, mapanganib na mga hayop