Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Disyembre 2017

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Kausapin ang Lahat ng Nasa Ating Teritoryo

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Kausapin ang Lahat ng Nasa Ating Teritoryo

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Inihula ni Zacarias na ang mga tao mula sa lahat ng wika ng mga bansa ay tutugon sa mabuting balita. (Zac 8:23) Pero sino ang magtuturo sa kanila? (Ro 10:13-15) Pribilehiyo at pananagutan nating sabihin ang mabuting balita sa lahat ng tao sa ating teritoryo.—od 84 ¶10-11.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Maghanda. May natagpuan ka na bang nagsasalita ng ibang wika? Puwede mong gamitin ang JW Language app para matuto ng isang simpleng presentasyon. O gamit ang iyong gadyet, puwede mong ipakita sa isang tao kung paano siya makakakuha ng higit pang impormasyon sa sarili niyang wika sa jw.org

  • Maging mapagmasid. Kung nagbabahay-bahay ka, huwag palampasin ang pagkakataong mangaral sa mga dumaraan o sa mga naghihintay sa loob ng sasakyan. Kung nakikibahagi ka sa pampublikong pagpapatotoo, magpokus sa iyong tunguhing magpatotoo

  • Maging matiyaga. Sikaping balikan ang mga bahay na walang tao noong magbahay-bahay ka. Sikaping may makausap sa bawat bahay. Maaari kang bumalik sa ibang oras sa maghapon o sa ibang araw sa isang linggo. Baka ang ilan ay mapapangaralan lang sa pamamagitan ng sulat, telepono, o sa lansangan

  • Balikan ang mga nakausap. Balikan agad ang mga nagpakita ng interes. Kung may nakausap ka na iba ang wika, humanap ng isa na nagsasalita ng wikang iyon. Dapat na patuloy mo siyang puntahan hanggang sa madalaw siya ng isang mamamahayag na nagsasalita ng wika niya.—od 94 ¶39-40

PANOORIN ANG VIDEO NA PANGANGARAL SA “PINAKAMALAYONG BAHAGI NG LUPA.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong mga paghahanda ang ginawa ng mga kapatid para mapangaralan ang mga tao sa malayong teritoryo? (1Co 9:22, 23)

  • Anong mga problema ang kailangan nilang harapin?

  • Ano ang naging mga pagpapala nila?

  • Anong mga pagsisikap ang magagawa mo para mas maraming tao pa ang makausap mo sa inyong teritoryo?