Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG DISYEMBRE 2016

Sampol na Presentasyon

Sampol na Presentasyon

GUMISING!

Tanong: Gusto nating maging malusog. Paano kaya natin mapoprotektahan ang ating sarili laban sa sakit?

Teksto: Kaw 22:3

Alok: Tinatalakay sa isyung ito ng Gumising! ang mga hakbang kung paano natin maiiwasan ang pagkakasakit.

ITURO ANG KATOTOHANAN

Tanong: Ang Diyos ba ang sanhi ng pagdurusa, o may iba pa?

Teksto: Job 34:10

Katotohanan: Hindi galing sa Diyos ang pagdurusa. Nagdurusa tayo dahil sa Diyablo, sa mga taong gumagawa ng masama, at minsan, dahil nasa maling lugar tayo sa maling pagkakataon. Kapag nagdurusa tayo, handang tumulong sa atin ang Diyos. Talagang nagmamalasakit siya sa atin.

BAKIT MAGANDANG MAG-ARAL NG BIBLIYA? (Video)

Tanong: Sa palagay mo, kontrolado ba ng Diyos ang daigdig? [Hayaang sumagot.] Baka magulat ka sa sinasabi ng Bibliya. Ipaliliwanag ito sa video. [I-play ang video.]

Alok: Tinatalakay sa kabanata 11 ng aklat na ito kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa at kung ano ang gagawin niya dito. [Ialok ang Itinuturo ng Bibliya o ang aklat na Teach Us.]

GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON

Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.