Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

Mga mamamahayag sa Azerbaijan na nag-aalok ng brosyur na Magandang Balita

WORKBOOK SA BUHAY AT MINISTERYO Agosto 2017

Sampol na Presentasyon

Sampol na presentasyon para sa Gumising! at sa pagtuturo ng katotohanan tungkol sa kung bakit nilalang ng Diyos ang tao. Tularan ang mga ito at gumawa ng sariling presentasyon.

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Ginantimpalaan ni Jehova ang Isang Bansang Pagano

Ginantimpalaan ni Jehova ang mga Babilonyo matapos ang kanilang 13-taóng pagkubkob sa Tiro. Paano niya pinahahalagahan ang ating katapatan at mga sakripisyo?

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Linangin ang Makadiyos na mga Katangian—Kapakumbabaan

Bakit mahalaga ang kapakumbabaan? Paano natin ito maipakikita? Paano makatutulong ang panalangin at halimbawa ni Jesus para malinang ang kapakumbabaan?

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Ang Mabigat na Pananagutan ng Isang Bantay

Pananagutan ng bantay na magbabala kapag may panganib. Ano ang ibig sabihin ni Jehova nang atasan niya si Ezekiel bilang makasagisag na bantay sa Israel?

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Linangin ang Makadiyos na mga Katangian—Lakas ng Loob

Bakit natin dapat labanan ang pagkatakot sa tao? Paano makatutulong ang pagbubulay-bulay, panalangin, at pagtitiwala kay Jehova para malinang ang lakas ng loob?

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Malapit Nang Mapuksa si Gog ng Magog

Inilalarawan ng Bibliya ang mga pangyayaring magaganap bago at pagkatapos puksain si Gog ng Magog.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Linangin ang Makadiyos na mga Katangian—Pananampalataya

Gaya ni Abraham, dapat tayong magpakita ng pananampalataya at katapatan sa Diyos na Jehova kahit sa pagkakataong mahirap gawin iyon. Paano?

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

Ikaw at ang Templo sa Pangitain ni Ezekiel

Ipinaaalaala sa atin ng templo sa pangitain ni Ezekiel ang matataas na pamantayan ng Diyos na Jehova para sa dalisay na pagsamba. Paano tayo nito mapatitibay?

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kailan Ako Puwedeng Mag-auxiliary Pioneer Uli?

Ang isang magandang paraan para makapaghain ng papuri ay ang pag-o-auxiliary pioneer. Puwede ka bang mag-auxiliary pioneer?