Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Workbook sa Buhay at Ministeryo  |  Abril 2017

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Malugod Silang Tanggapin

Malugod Silang Tanggapin

Sino? Ang sinumang dumadalo sa ating mga pulong—baguhan man o matagal na nating kaibigan. (Ro 15:7; Heb 13:2) Puwedeng mga kapatid natin sila mula sa ibang bansa o di-aktibong mga kapatid na matagal nang hindi dumadalo. Isipin mong ikaw ang nasa kalagayan nila. Tiyak na pahahalagahan mo kung may babati sa iyo. (Mat 7:12) Kaya bakit hindi mo sikaping lapitan at batiin ang mga dumalo bago at pagkatapos ng pulong? Nakatutulong ito para madama ang pag-ibig sa kongregasyon at nagdudulot ito ng papuri kay Jehova. (Mat 5:16) Siyempre pa, hindi naman natin makakausap ang lahat ng dumalo. Pero madarama ng lahat na tinatanggap sila sa pulong kung magsisikap ang bawat isa sa atin. *

Hindi lang tayo mapagpatuloy tuwing may espesyal na mga okasyon gaya ng Memoryal kundi sa lahat ng panahon. Kapag nakita at nadama ng mga baguhan ang ganitong Kristiyanong pag-ibig, baka maudyukan silang purihin ang Diyos at makisama sa atin sa dalisay na pagsamba.—Ju 13:35.

^ par. 3 Bilang pagsunod sa mga simulain ng Bibliya, may limitasyon ang ating pakikipag-ugnayan sa mga dumadalong tiwalag o sa mga kusang humiwalay.—1Co 5:11; 2Ju 10.