Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG ABRIL 2016

 PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Bagong Seksiyon Para sa Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

Bagong Seksiyon Para sa Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

Mula Enero 2016, ang huling pahina ng edisyong pampubliko ng Ang Bantayan ay may seksiyong “Ano ang Sinasabi ng Bibliya?” Dinisenyo ang bagong seksiyong ito para tulungan tayong makapagpasimula ng pakikipag-usap tungkol sa mga paksa sa Bibliya. Ang format nito ay pareho ng nasa ating mga tract. Mayroon itong punto-de-vistang tanong at sagot mula sa Bibliya, pati na ng karagdagang punto na mapag-uusapan.

Ang magandang usapan tungkol sa mga paksa sa Bibliya ay karaniwang umaakay sa pag-aaral sa Bibliya. Gamitin ang bagong seksiyon na ito para tulungan ang mas maraming tao na masapatan ang kanilang espirituwal na pagkagutom.—Mat 5:6.

KUNG PAANO GAGAMITIN ANG SEKSIYONG ITO:

  1. Tanungin ang opinyon ng may-bahay tungkol sa isa sa mga tanong

  2. Makinig at pasalamatan siya sa kaniyang sagot

  3. Basahin ang teksto sa ilalim ng “Ang Sabi ng Bibliya,” at tanungin ang opinyon niya sa teksto. Kung may panahon pa siya, ipagpatuloy ang pakikipag-usap gamit ang punto sa ilalim ng “Ano Pa ang Matututuhan Natin sa Bibliya?”

  4. Ialok ang magasin

  5. Isaayos ang pagdalaw-muli at talakayin ang ikalawang tanong