Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG ABRIL 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOB 16-20

Patibayin at Palakasin ang Iba sa Pamamagitan ng Mabait na Pananalita

Patibayin at Palakasin ang Iba sa Pamamagitan ng Mabait na Pananalita

Dapat na nakapagpapalakas sa iba ang pananalita ng isang tagapayo

16:4, 5

  • Nanlumo at naghirap ang kalooban ni Job, kaya kinailangan niya ng suporta at pampatibay mula sa iba

  • Walang sinabing nakaaaliw na salita ang tatlong kasamahan ni Job. Sa halip, inakusahan nila siya at nakaragdag ito sa kaniyang kabalisahan

Dahil sa masasakit na salita ni Bildad, humiyaw si Job sa paghihinagpis

19:2, 25

  • Hiniling ni Job sa Diyos na guminhawa siya—kahit man lang sa kamatayan

  • Nagpokus si Job sa kaniyang pag-asa ng pagkabuhay-muli at patuloy na nagbata at nanatiling tapat