Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ATING BUHAY AT MINISTERYONG KRISTIYANO—WORKBOOK PARA SA PULONG ABRIL 2016

 KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOB 21-27

Nilabanan ni Job ang Maling Kaisipan

Nilabanan ni Job ang Maling Kaisipan

Gumagamit si Satanas ng mga kasinungalingan para pahinain ang loob ng mga lingkod ni Jehova ngayon. Pansinin ang pagkakaiba ng mga kasinungalingan ni Satanas at ng tunay na nadarama ni Jehova, gaya ng ipinakikita sa aklat ng Job. Maglista ng iba pang teksto sa Bibliya na nagpapatunay na nagmamalasakit sa iyo si Jehova.

MGA KASINUNGALINGAN NI SATANAS

ANG TUNAY NA NADARAMA NI JEHOVA

Labis na mapaghanap ang Diyos anupat lahat ng gawin ng mga lingkod niya ay hindi nakalulugod sa kaniya. Walang nilalang niya ang makapagpapalugod sa kaniya (Job 4:18; 25:5)

Pinahahalagahan ni Jehova ang ating mga pagsisikap (Job 36:5)

Walang silbi ang tao sa Diyos (Job 22:2)

Tinatanggap at pinagpapala ni Jehova ang ating tapat na paglilingkod (Job 33:26; 36:11)

Walang pakialam ang Diyos kung ikaw man ay matuwid o hindi (Job 22:3)

Binabantayan ni Jehova ang mga matuwid (Job 36:7)