Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Zacarias 4:1-14

4  At bumalik ang anghel na nakikipag-usap sa akin at ginising ako, gaya ng isang tao na ginising mula sa kaniyang pagkakatulog. +  Pagkatapos ay sinabi niya sa akin: “Ano ang nakikita mo?” + Kaya sinabi ko: “Nakita ko, at, narito! may isang kandelero, ang kabuuan nito ay ginto, + na may isang mangkok sa ibabaw nito. At ang pitong lampara nito ay nasa ibabaw nito, pito nga; + at ang mga lampara na nasa ibabaw nito ay may pitong tubo.  At may dalawang punong olibo sa tabi nito, + isa sa dakong kanan ng mangkok at isa sa dakong kaliwa nito.”  At ako ay sumagot at nagsabi sa anghel na nakikipag-usap sa akin, na sinasabi: “Ano ang kahulugan ng mga bagay na ito, panginoon ko?” +  Kaya ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay sumagot at nagsabi sa akin: “Talaga bang hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?” Sinabi ko naman: “Hindi, panginoon ko.” +  Sa gayon ay sumagot siya at nagsabi sa akin: “Ito ang salita ni Jehova kay Zerubabel, na nagsasabi, ‘ “Hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, + ni sa pamamagitan man ng kapangyarihan, + kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,” + ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.  Sino ka, O malaking bundok? + Sa harap ni Zerubabel + ay magiging patag na lupain ka. At tiyak na ilalabas niya ang pangulong-bato. + Magkakaroon ng hiyawan + para roon: “Kahali-halina! Kahali-halina!” ’ ” +  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Ang mismong mga kamay ni Zerubabel ang naglatag ng pundasyon ng bahay na ito, + at ang kaniyang sariling mga kamay ang tatapos nito. + At iyo ngang malalaman na si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa inyo. + 10  Sapagkat sino ang humamak sa araw ng maliliit na bagay? + At tiyak na magsasaya + sila at makikita nila ang hulog sa kamay ni Zerubabel. Ang pitong ito ay mga mata ni Jehova. + Ang mga ito ay nagpaparoo’t parito sa buong lupa.” + 11  At ako ay sumagot at nagsabi sa kaniya: “Ano ang kahulugan ng dalawang punong olibong ito sa dakong kanan ng kandelero at sa dakong kaliwa nito?” + 12  Pagkatapos ay sumagot ako sa ikalawang pagkakataon at nagsabi sa kaniya: “Ano ang dalawang kumpol ng maliliit na sanga ng mga punong olibo na sa pamamagitan ng dalawang ginintuang tubo ay nagpapadaloy ng ginintuang likido?” 13  Kaya sinabi niya sa akin: “Talaga bang hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?” Sinabi ko naman: “Hindi, panginoon ko.” + 14  Sa gayon ay sinabi niya: “Ito ang dalawang pinahiran + na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.” +

Talababa