Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Zacarias 3:1-10

3  At ipinakita niya sa akin si Josue + na mataas na saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ni Jehova, at si Satanas + na nakatayo sa kaniyang kanan upang sumalansang + sa kaniya.  Sa gayon ay sinabi [ng anghel] + ni Jehova kay Satanas: “Sawayin + ka nawa ni Jehova, O Satanas, oo, sawayin ka nawa ni Jehova, siya na pumipili sa Jerusalem! + Hindi ba ang isang ito ay kahoy na inagaw sa apoy?” +  Kung tungkol nga kay Josue, siya ay nadaramtan ng narumhang mga kasuutan + at nakatayo sa harap ng anghel.  At siya ay sumagot at nagsabi sa mga nakatayo sa harap niya: “Alisin ninyo sa kaniya ang narumhang mga kasuutan.” At sinabi niya sa kaniya: “Tingnan mo, pinalampas ko sa iyo ang iyong kamalian, + at dinamtan ka ng mariringal na kasuutan.” +  Sa gayon ay sinabi ko: “Lagyan nila ng malinis na turbante ang kaniyang ulo.” + At inilagay nila sa kaniyang ulo ang malinis na turbante at dinamtan nila siya ng mga kasuutan; at ang anghel ni Jehova ay nakatayo sa tabi.  At ang anghel ni Jehova ay nagsimulang magpatotoo kay Josue, na sinasabi:  “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Kung ang aking mga daan ang lalakaran mo, at kung ang katungkulan sa akin ang iingatan mo, + kung magkagayon ay ikaw rin ang hahatol sa aking sambahayan + at mag-iingat din sa aking mga looban; at tiyak na bibigyan kita ng kalayaang lumapit sa gitna ng mga ito na nakatayo sa tabi.’  “ ‘Dinggin mo, pakisuyo, O Josue na mataas na saserdote, ikaw at ang iyong mga kasamahan na nakaupo sa harap mo, sapagkat sila ay mga tao na nagsisilbing mga palatandaan; + sapagkat narito, ilalabas ko ang aking lingkod + na si Sibol! +  Sapagkat, narito! ang bato + na inilagay ko sa harap ni Josue! Sa ibabaw ng isang batong iyon ay may pitong mata. + Narito, nilililok ko ang lilok niyaon,’ + ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘at aalisin ko ang kamalian ng lupaing iyon sa loob ng isang araw.’ + 10  “ ‘Sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘tatawag kayo sa isa’t isa, habang nasa ilalim ng punong ubas at habang nasa ilalim ng puno ng igos.’ ” +

Talababa