Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Zacarias 2:1-13

2  At itiningin ko ang aking mga mata at nakita ko; at, narito! may isang lalaki, at sa kaniyang kamay ay may lubid na panukat. +  Kaya sinabi ko: “Saan ka pupunta?” Sinabi naman niya sa akin: “Upang sukatin ang Jerusalem, upang makita kung gaano ang kaniyang lapad at kung gaano ang kaniyang haba.” +  At, narito! ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay yumayaon, at may isa pang anghel na yumayaon upang sumalubong sa kaniya.  Nang magkagayon ay sinabi niya sa kaniya: “Tumakbo ka, magsalita ka sa kabataang lalaki sa dako roon, na sinasabi, ‘ “Tatahanang gaya ng hantad na kaparangan ang Jerusalem, + dahil sa dami ng mga tao at ng mga alagang hayop sa gitna niya. +  At ako,” ang sabi ni Jehova, “ay magiging isang pader na apoy sa kaniya sa buong palibot, + at magiging kaluwalhatian ako sa gitna niya.” ’ ” +  “Kayo riyan! Kayo riyan! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga,” + ang sabi ni Jehova. “Sapagkat sa pinatutunguhan ng apat na hangin ng langit ay pinangalat ko kayo,” + ang sabi ni Jehova.  “Ikaw riyan, Sion! + Tumakas ka, ikaw na tumatahang kasama ng anak na babae ng Babilonya. +  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Kasunod ng kaluwalhatian + ay isinugo niya ako sa mga bansa na nananamsam sa inyo; + sapagkat siya na humihipo sa inyo + ay humihipo sa itim ng aking mata. +  Sapagkat narito, ikakaway ko ang aking kamay laban sa kanila, + at sila ay magiging samsam sa kanilang mga alipin.’ + At inyo ngang makikilala na si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin. + 10  “Humiyaw ka nang malakas at magsaya, O anak na babae ng Sion; + sapagkat narito, ako ay dumarating, + at tatahan ako sa gitna mo,” + ang sabi ni Jehova. 11  “At ang maraming bansa ay tiyak na malalakip kay Jehova sa araw na iyon, + at sila ay magiging aking bayan; + at tatahan ako sa gitna mo.” At iyo ngang malalaman na isinugo ako sa iyo ni Jehova ng mga hukbo. + 12  At tiyak na aariin ni Jehova ang Juda bilang kaniyang bahagi sa ibabaw ng banal na lupa, + at pipiliin pa niya ang Jerusalem. + 13  Lahat ng laman, tumahimik kayo sa harap ni Jehova, + sapagkat gumising siya + mula sa kaniyang banal na tahanan. +

Talababa