Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Zacarias 10:1-12

10  “Humiling kayo kay Jehova ng ulan + sa panahon ng ulan sa tagsibol, + kay Jehova nga na siyang gumagawa ng mga kaulapang-bagyo, + at siyang nagbibigay ng buhos ng ulan sa kanila, + sa bawat isa ay pananim sa parang. +  Sapagkat ang mga terapim + ay nagsalita niyaong mahiwaga; at ang mga manghuhula naman ay nagpangitain ng kabulaanan, + at mga panaginip na walang saysay ang patuloy nilang sinasalita, at nagsisikap silang mang-aliw nang walang kabuluhan. + Kaya naman lilisan nga silang gaya ng isang kawan; + sila ay mapipighati, sapagkat walang pastol. +  “Laban sa mga pastol ay nag-init ang aking galit, + at laban sa mga tulad-kambing na lider + ay hihingi ako ng pagsusulit; + sapagkat ibinaling ni Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pansin sa kaniyang kawan, + sa sambahayan ni Juda, at ginawa niya silang tulad ng kaniyang maringal na kabayo + sa pagbabaka.  Mula sa kaniya ang pangunahing tao, + mula sa kaniya ang katulong na tagapamahala, + mula sa kaniya ang busog para sa pagbabaka; + mula sa kaniya ay lumalabas ang bawat tagapag-utos, + magkakasamang lahat.  At sila ay magiging gaya ng makapangyarihang mga lalaki + na yumayapak sa lusak ng mga lansangan sa pagbabaka. + At sila ay makikipagbaka, sapagkat si Jehova ay sumasakanila; + at ang mga nakasakay sa mga kabayo ay daranas ng kahihiyan. +  At padadakilain ko ang sambahayan ni Juda, at ang sambahayan ni Jose ay ililigtas ko. + At bibigyan ko sila ng tahanan, sapagkat pagpapakitaan ko sila ng awa; + at sila ay magiging gaya niyaong mga hindi ko itinakwil; + sapagkat ako ay si Jehova na kanilang Diyos, at sasagutin ko sila. +  At yaong mga sa Efraim ay magiging gaya ng isang makapangyarihang lalaki, + at ang kanilang puso ay magsasaya na para bang dahil sa alak. + At makikita ng kanilang sariling mga anak at tiyak na magsasaya; + ang kanilang puso ay magagalak kay Jehova. +  “ ‘Sisipulan + ko sila at titipunin sila; sapagkat tiyak na tutubusin + ko sila, at sila ay darami, katulad niyaong mga dumami. +  At pangangalatin ko silang parang binhi sa gitna ng mga bayan, + at sa malalayong dako ay aalalahanin nila ako; + at sila ay manunumbalik na kasama ng kanilang mga anak at babalik. + 10  At ibabalik ko sila mula sa lupain ng Ehipto; + at mula sa Asirya ay titipunin ko sila; + at sa lupain ng Gilead + at Lebanon ay dadalhin ko sila, at walang dakong masusumpungan para sa kanila. + 11  At daraan siya sa dagat nang may kabagabagan; + at sa dagat ay pababagsakin niya ang mga alon, + at ang lahat ng mga kalaliman ng Nilo ay matutuyo. + At ang pagmamapuri ng Asirya ay ibababa, + at ang mismong setro + ng Ehipto ay maglalaho. + 12  At padadakilain ko sila kay Jehova, + at sa kaniyang pangalan ay lalakad sila,’ + ang sabi ni Jehova.”

Talababa