Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Santiago 3:1-18

3  Hindi marami sa inyo ang dapat na maging mga guro,+ mga kapatid ko, yamang nalalamang tatanggap tayo ng mas mabigat na hatol.+  Sapagkat tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit.+ Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita,+ ang isang ito ay taong sakdal,+ na may kakayahang rendahan din ang kaniyang buong katawan.  Kung nilalagyan natin ng mga renda+ ang mga bibig ng mga kabayo upang sundin nila tayo,+ nasusupil din natin ang kanilang buong katawan.  Narito! Maging ang mga barko, bagaman napakalalaki ng mga ito at itinutulak ng malalakas na hangin, ay inuugitan ng isang napakaliit na timon+ kung saan nais ikiling ng timonero.  Gayundin naman, ang dila ay isang maliit na sangkap gayunma’y gumagawa ng malalaking pagyayabang.+ Narito! Kay liit na apoy ang kailangan upang silaban ang isang napakalaking kakahuyan!  Buweno, ang dila ay isang apoy.+ Ang dila ay bumubuo ng isang sanlibutan ng kalikuan sa gitna ng ating mga sangkap, sapagkat binabatikan nito ang buong katawan+ at sinisilaban ang gulong ng likas na buhay at ito ay sinisilaban ng Gehenna.  Sapagkat ang bawat uri ng mailap na hayop at gayundin ng ibon at gumagapang na bagay at nilalang sa dagat ay pinaaamo at napaamo na ng tao.+  Ngunit ang dila, walang isa man sa sangkatauhan ang makapagpaamo nito. Isang di-masupil at nakapipinsalang bagay, ito ay punô ng nakamamatay na lason.+  Sa pamamagitan nito ay pinapagpapala natin si Jehova,+ ang Ama+ mismo, gayunman sa pamamagitan nito ay isinusumpa+ natin ang mga tao na umiral “sa wangis ng Diyos.”+ 10  Mula sa iisang bibig ay lumalabas ang pagpapala at pagsumpa. Hindi wasto, mga kapatid ko, na ang mga bagay na ito ay patuloy na mangyari nang ganito.+ 11  Ang isang bukal+ ay hindi binabalungan ng matamis at ng mapait mula sa iisang butas, hindi ba? 12  Mga kapatid ko, ang puno ng igos ay hindi makapagluluwal ng mga olibo o ang punong-ubas ng mga igos, hindi ba?+ Ni ang tubig-alat man ay makapaglalabas ng matamis na tubig. 13  Sino ang marunong at may-unawa sa inyo? Ipakita niya mula sa kaniyang mainam na paggawi ang kaniyang mga gawa+ na may kahinahunan na nauukol sa karunungan. 14  Ngunit kung kayo ay may mapait na paninibugho+ at hilig na makipagtalo+ sa inyong mga puso, huwag kayong magyabang+ at magsinungaling laban sa katotohanan.+ 15  Hindi ito ang karunungan na bumababa mula sa itaas,+ kundi yaong makalupa,+ makahayop, makademonyo.+ 16  Sapagkat kung saan may paninibugho+ at hilig na makipagtalo, naroon ang kaguluhan at bawat buktot na bagay.+ 17  Ngunit ang karunungan+ mula sa itaas una sa lahat ay malinis,+ pagkatapos ay mapayapa,+ makatuwiran,+ handang sumunod, punô ng awa at mabubuting bunga,+ hindi gumagawa ng pagtatangi-tangi,+ hindi mapagpaimbabaw.+ 18  Bukod diyan, ang bunga+ ng katuwiran+ ay may binhing inihasik sa ilalim ng mapayapang+ mga kalagayan para roon sa mga nakikipagpayapaan.+

Talababa