Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ruth 1:1-22

1  At nangyari nga noong mga araw nang ang mga hukom+ ang naglalapat ng katarungan, nagkaroon ng taggutom+ sa lupain, at isang lalaki ang yumaon mula sa Betlehem+ sa Juda upang manirahan bilang dayuhan sa lupain ng Moab,+ siya at ang kaniyang asawa at ang kaniyang dalawang anak na lalaki.  At ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi, at ang mga pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Kilion, mga Eprateo+ mula sa Betlehem sa Juda. Nang dakong huli ay dumating sila sa lupain ng Moab at nanirahan doon.  Sa kalaunan ay namatay si Elimelec na asawa ni Noemi, kaya naiwan siyang kasama ng kaniyang dalawang anak.  Nang maglaon, ang mga lalaki ay kumuha ng kani-kanilang asawa, mga babaing Moabita.+ Ang pangalan ng isa ay Orpa, at ang pangalan naman ng isa ay Ruth.+ At nanahanan sila roon nang mga sampung taon.  Sa kalaunan, silang dalawa, si Mahalon at si Kilion, ay namatay rin, kaya naiwan ang babae na wala na ang kaniyang dalawang anak at ang kaniyang asawa.  At bumangon siyang kasama ng kaniyang mga manugang at bumalik mula sa lupain ng Moab, sapagkat narinig niya sa lupain ng Moab na ibinaling ni Jehova ang kaniyang pansin sa kaniyang bayan+ sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tinapay.+  At umalis siya sa dakong kaniyang pinanirahan,+ at ang dalawa niyang manugang ay kasama niya, at patuloy silang naglakad sa daan upang bumalik sa lupain ng Juda.  Nang dakong huli ay sinabi ni Noemi sa dalawa niyang manugang: “Yumaon kayo, bumalik kayo, bawat isa sa bahay ng kaniyang ina. Pagpakitaan nawa kayo ni Jehova ng maibiging-kabaitan,+ kung paanong ipinakita ninyo iyon sa mga lalaking patay na ngayon at sa akin.+  Bigyan nawa kayo ni Jehova ng kaloob,+ at makasumpong kayo ng pahingahang-dako+ bawat isa sa bahay ng kaniyang asawa.” Pagkatapos ay hinalikan+ niya sila, at inilakas nila ang kanilang mga tinig at tumangis. 10  At patuloy nilang sinasabi sa kaniya: “Hindi, kundi kasama mo kaming babalik sa iyong bayan.”+ 11  Ngunit sinabi ni Noemi: “Bumalik kayo, mga anak ko. Bakit kayo sasama sa akin? Mayroon pa ba akong mga anak sa aking mga panloob na bahagi, at sila ba ang magiging mga asawa ninyo?+ 12  Bumalik kayo, mga anak ko, yumaon kayo, sapagkat ako ay napakatanda na upang ariin ng isang asawa. Kung sasabihin kong ako ay umaasa rin na aariin nga ako ng isang asawa ngayong gabi at magsisilang din nga ng mga anak,+ 13  patuloy ba kayong maghihintay sa kanila hanggang sa sila ay lumaki? Mananatili ba kayong nakabukod para sa kanila upang hindi ariin ng isang asawa? Huwag, mga anak ko, sapagkat napakapait nito sa akin dahil sa inyo, na ang kamay ni Jehova ay lumabas laban sa akin.”+ 14  Dahil dito ay inilakas nila ang kanilang mga tinig at tumangis pa, pagkatapos ay hinalikan ni Orpa ang kaniyang biyenan. Kung tungkol naman kay Ruth, siya ay pumisan sa kaniya.+ 15  Kaya sinabi niya: “Narito! Ang iyong balong bilas ay bumalik na sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga diyos.+ Bumalik kang kasama ng iyong balong bilas.”+ 16  At sinabi ni Ruth: “Huwag mo akong pakiusapan na iwanan ka, na talikdan ang pagsama sa iyo; sapagkat kung saan ka paroroon ay paroroon ako, at kung saan ka magpapalipas ng gabi ay magpapalipas ako ng gabi.+ Ang iyong bayan ay magiging aking bayan,+ at ang iyong Diyos ay aking Diyos.+ 17  Kung saan ka mamamatay ay mamamatay ako,+ at doon ako ililibing. Gayon nawa ang gawin sa akin ni Jehova at dagdagan+ pa iyon kung may anumang bagay maliban sa kamatayan na maghiwalay sa akin at sa iyo.” 18  Nang makita niyang mapilit ito sa pagsama sa kaniya,+ nang magkagayon ay tumigil na siya sa pagsasalita sa kaniya. 19  At silang dalawa ay nagpatuloy sa pagyaon hanggang sa makarating sila sa Betlehem.+ At nangyari nga na pagdating nila sa Betlehem, ang buong lunsod ay nagkagulo dahil sa kanila,+ at ang mga babae ay patuloy na nagsasabi: “Ito ba si Noemi?”+ 20  At sinasabi niya sa mga babae: “Huwag ninyo akong tawaging Noemi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat lubha akong pinapait+ ng Makapangyarihan-sa-lahat.+ 21  Punô ako nang ako ay umalis,+ at wala akong dala nang pabalikin ako ni Jehova.+ Bakit ninyo ako tatawaging Noemi, samantalang si Jehova ang humamak sa akin+ at ang Makapangyarihan-sa-lahat ang nagpangyari ng kapahamakan ko?”+ 22  Sa gayon ay bumalik si Noemi, at si Ruth na babaing Moabita, na kaniyang manugang, ang kasama niya sa pagbabalik mula sa lupain ng Moab;+ at dumating sila sa Betlehem+ sa pasimula ng pag-aani ng sebada.+

Talababa