Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Roma 7:1-25

7  Maaari kaya na hindi ninyo alam, mga kapatid, (sapagkat nagsasalita ako sa mga may alam sa kautusan,) na ang Kautusan ay namamanginoon sa isang tao hangga’t nabubuhay siya?+  Bilang halimbawa, ang isang babaing may asawa ay natatalian ng kautusan sa kaniyang asawa habang ito ay buháy; ngunit kapag namatay ang kaniyang asawa, siya ay napalalaya mula sa kautusan ng kaniyang asawa.+  Sa gayon nga, habang buháy ang kaniyang asawa, siya ay tataguriang isang mangangalunya kapag siya ay naging pag-aari ng ibang lalaki.+ Ngunit kapag namatay ang kaniyang asawa, siya ay malaya na mula sa kautusan nito, anupat hindi siya isang mangangalunya kung siya ay magiging pag-aari ng ibang lalaki.+  Kaya, mga kapatid ko, kayo rin ay ginawang patay sa Kautusan+ sa pamamagitan ng katawan ng Kristo, upang kayo ay maging pag-aari ng iba,+ niyaong isa na ibinangon mula sa mga patay,+ upang magbunga+ tayo ukol sa Diyos.  Sapagkat noong kaayon tayo ng laman,+ ang makasalanang mga pita na pinukaw sa pamamagitan ng Kautusan ay gumagana sa ating mga sangkap upang magluwal tayo ng bunga ukol sa kamatayan.+  Ngunit ngayon ay pinalaya na tayo mula sa Kautusan,+ sapagkat namatay+ na tayo roon sa pumipigil sa atin, upang tayo ay maging mga alipin+ sa isang bagong diwa sa pamamagitan ng espiritu,+ at hindi sa lumang diwa sa pamamagitan ng nakasulat na kodigo.+  Ano, kung gayon, ang sasabihin natin? Ang Kautusan ba ay kasalanan?+ Huwag nawang maging gayon! Ang totoo ay hindi ko sana nakilala ang kasalanan+ kung hindi dahil sa Kautusan; at, halimbawa, hindi ko sana nakilala ang kaimbutan+ kung hindi sinabi ng Kautusan: “Huwag kang mag-iimbot.”+  Ngunit ang kasalanan, na tumatanggap ng pangganyak sa pamamagitan ng utos,+ ay nagdulot sa akin ng bawat uri ng kaimbutan, sapagkat kung hiwalay sa kautusan ang kasalanan ay patay.+  Sa katunayan, ako ay dating buháy nang hiwalay sa kautusan;+ ngunit nang dumating ang utos,+ ang kasalanan ay muling nabuhay, ngunit ako ay namatay.+ 10  At ang utos na ukol sa buhay,+ ito ay nasumpungan kong ukol sa kamatayan.+ 11  Sapagkat ang kasalanan, na tumatanggap ng pangganyak sa pamamagitan ng utos, ay nandaya+ sa akin at pumatay sa akin sa pamamagitan nito. 12  Kaya nga, sa ganang sarili, ang Kautusan ay banal,+ at ang utos ay banal at matuwid+ at mabuti.+ 13  Kung gayon, yaon bang mabuti ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari iyan! Ngunit naging gayon ang kasalanan, upang maipakita iyon bilang kasalanan na nagdudulot ng kamatayan sa akin sa pamamagitan niyaong mabuti;+ upang ang kasalanan ay maging lalo pang higit na makasalanan sa pamamagitan ng utos.+ 14  Sapagkat alam natin na ang Kautusan ay espirituwal;+ ngunit ako ay makalaman, ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.+ 15  Sapagkat yaong isinasagawa ko ay hindi ko alam. Sapagkat yaong nais ko, hindi ito ang aking isinasagawa; kundi yaong kinapopootan ko ang siyang aking ginagawa. 16  Gayunman, kung yaong hindi ko nais ang siyang ginagawa ko,+ sumasang-ayon ako na ang Kautusan ay mainam.+ 17  Ngunit ngayon ang nagsasagawa nito ay hindi na ako, kundi ang kasalanan na nananahanan sa akin.+ 18  Sapagkat alam ko na sa akin, sa akin ngang laman, ay walang anumang mabuti na tumatahan;+ sapagkat ang kakayahang magnais+ ay narito sa akin, ngunit ang kakayahang magsagawa+ niyaong mainam ay wala. 19  Sapagkat ang mabuti na nais ko ay hindi ko ginagawa,+ ngunit ang masama na hindi ko nais ang siyang aking isinasagawa. 20  Ngayon, kung yaong hindi ko nais ang siyang ginagawa ko, ang nagsasagawa nito ay hindi na ako, kundi ang kasalanan na tumatahan sa akin.+ 21  Nasusumpungan ko, kung gayon, ang kautusang ito sa aking kalagayan: na kapag nais kong gawin ang tama,+ yaong masama ay narito sa akin.+ 22  Tunay ngang nalulugod+ ako sa kautusan ng Diyos ayon sa aking pagkatao+ sa loob, 23  ngunit nakikita ko sa aking mga sangkap+ ang isa pang kautusan na nakikipagdigma+ laban sa kautusan ng aking pag-iisip+ at dinadala akong bihag sa kautusan ng kasalanan+ na nasa aking mga sangkap. 24  Miserableng tao ako! Sino ang sasagip sa akin mula sa katawan na dumaranas ng kamatayang ito?+ 25  Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na ating Panginoon!+ Sa gayon nga, sa aking pag-iisip ay alipin ako ng kautusan ng Diyos,+ ngunit sa aking laman ay sa kautusan ng kasalanan.+

Talababa