Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Roma 5:1-21

5  Samakatuwid, ngayon na ipinahayag na tayong matuwid dahil sa pananampalataya,+ tamasahin natin ang kapayapaan+ sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo,  na sa pamamagitan din niya ay nakamit natin ang ating paglapit+ sa pamamagitan ng pananampalataya tungo sa di-sana-nararapat na kabaitang ito na kinatatayuan natin ngayon; at magbunyi tayo, salig sa pag-asa+ ng kaluwalhatian ng Diyos.  At hindi lamang iyan, kundi magbunyi tayo samantalang nasa mga kapighatian,+ yamang alam natin na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagbabata;+  ang pagbabata naman, ng sinang-ayunang kalagayan;+ ang sinang-ayunang kalagayan naman, ng pag-asa,+  at ang pag-asa ay hindi umaakay sa kabiguan;+ sapagkat ang pag-ibig ng Diyos+ ay ibinuhos sa ating mga puso+ sa pamamagitan ng banal na espiritu,+ na ibinigay sa atin.  Sapagkat, sa katunayan, si Kristo, samantalang tayo ay mahina pa,+ ay namatay para sa mga taong di-makadiyos sa takdang panahon.+  Sapagkat halos walang sinuman ang mamamatay para sa isang taong matuwid;+ totoo nga, para sa taong mabuti,+ marahil, ay may mangangahas pa ngang mamatay.+  Ngunit inirerekomenda ng Diyos sa atin ang kaniyang sariling pag-ibig+ anupat, samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.+  Lalo pa nga, kung gayon, yamang ipinahayag na tayong matuwid ngayon sa pamamagitan ng kaniyang dugo,+ na maliligtas tayo mula sa poot sa pamamagitan niya.+ 10  Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway pa,+ naipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak,+ lalo pa nga, ngayong tayo ay naipagkasundo na, na maliligtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay.+ 11  At hindi lamang iyan, kundi nagbubunyi rin tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ay tinanggap natin ngayon ang pakikipagkasundo.+ 12  Kaya naman, kung paanong sa pamamagitan ng isang tao+ ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan+ sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala+—. 13  Sapagkat hanggang sa Kautusan ang kasalanan ay nasa sanlibutan, ngunit ang kasalanan ay hindi ipinaparatang laban sa kaninuman kapag walang kautusan.+ 14  Gayunpaman, ang kamatayan ay namahala bilang hari mula kay Adan hanggang kay Moises,+ maging doon sa mga hindi nagkasala sa wangis ng pagsalansang ni Adan,+ na nagtataglay ng pagkakahalintulad sa kaniya na darating.+ 15  Ngunit ang sa kaloob ay hindi gaya ng sa pagkakamali. Sapagkat kung dahil sa pagkakamali ng isang tao ay marami ang namatay, ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at ang kaniyang walang-bayad na kaloob kasama ng di-sana-nararapat na kabaitan sa pamamagitan ng isang taong+ si Jesu-Kristo ay lalong higit na nanagana sa marami.+ 16  Gayundin, ang nangyayari sa walang-bayad na kaloob+ ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang tao na nagkasala.+ Sapagkat ang hatol+ mula sa isang pagkakamali ay nagbunga ng kahatulan,+ ngunit ang kaloob mula sa maraming pagkakamali ay nagbunga ng pagpapahayag ng katuwiran.+ 17  Sapagkat kung dahil sa pagkakamali ng isang tao+ ang kamatayan ay namahala bilang hari+ sa pamamagitan ng isang iyon, lalong higit na yaong mga tumatanggap ng kasaganaan ng di-sana-nararapat na kabaitan+ at ng walang-bayad na kaloob+ na katuwiran ay mamamahala bilang mga hari+ sa buhay sa pamamagitan ng isang tao, si Jesu-Kristo.+ 18  Sa gayon nga, kung paanong sa pamamagitan ng isang pagkakamali ang resulta sa lahat ng uri ng mga tao ay kahatulan,+ sa gayunding paraan sa pamamagitan ng isang gawa ng pagbibigay-katuwiran+ ang resulta sa lahat ng uri ng mga tao+ ay ang pagpapahayag sa kanila na matuwid para sa buhay.+ 19  Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ay marami+ ang ibinilang na makasalanan, sa gayunding paraan sa pamamagitan ng pagkamasunurin+ ng isang tao ay marami+ ang ibibilang na matuwid.+ 20  Ngayon ang Kautusan+ ay pumasok na katabi upang makapanagana ang pagkakamali.+ Ngunit kung saan nanagana ang kasalanan,+ ang di-sana-nararapat na kabaitan+ ay nanagana nang higit pa. 21  Sa anong layunin? Upang, kung paanong ang kasalanan ay namahala bilang hari kasama ang kamatayan,+ sa gayunding paraan ang di-sana-nararapat na kabaitan+ ay makapamahala bilang hari sa pamamagitan ng katuwiran tungo sa buhay na walang hanggan+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na ating Panginoon.

Talababa