Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Panaghoy 5:1-22

5  Alalahanin mo, O Jehova, kung ano ang nangyari sa amin.+ Tingnan mo at masdan ang aming kadustaan.+   Ang aming minanang pag-aari ay ibinigay sa mga taga-ibang bayan, ang aming mga bahay ay sa mga banyaga.+   Kami ay naging hamak na mga ulila na walang ama.+ Ang aming mga ina ay tulad ng mga balo.+   Kapalit ng salapi ay ininom namin ang aming tubig.+ Kapalit ng isang halaga ay dumarating ang aming kahoy.   Malapit na sa aming leeg ang pagtugis sa amin.+ Nanghimagod na kami. Walang kapahingahang natira sa amin.+   Sa Ehipto+ ay iniabot namin ang kamay;+ sa Asirya,+ upang mabusog sa tinapay.   Ang aming mga ninuno ang siyang nagkasala.+ Wala na sila. Sa ganang amin, ang kanilang mga kamalian ang kinailangan naming pasanin.+   Mga lingkod lamang ang namamahala sa amin.+ Walang sinumang umaagaw sa amin mula sa kanilang kamay.+   Manganib man ang aming kaluluwa ay ipinapasok namin ang aming tinapay,+ dahil sa tabak sa ilang. 10  Ang amin mismong balat ay nag-init na parang hurno, dahil sa mga hapdi ng gutom.+ 11  Ang mga asawang babae sa Sion ay hinamak nila,+ ang mga dalaga sa mga lunsod ng Juda. 12  Ang mga prinsipe mismo ay ibinitin sa pamamagitan lamang ng kanilang kamay.+ Ang mga mukha ng matatandang lalaki man ay hindi binigyang-dangal.+ 13  Maging ang mga kabataang lalaki ay bumuhat ng gilingang pangkamay,+ at sa ilalim ng kahoy ay natisod ang mga batang lalaki.+ 14  Ang matatandang lalaki ay naglaho mula sa pintuang-daan,+ ang mga kabataang lalaki mula sa kanilang musikang tugtugin.+ 15  Ang pagbubunyi ng aming puso ay naglaho. Ang aming sayawan ay napalitan ng pagdadalamhati.+ 16  Ang korona ng aming ulo ay nahulog.+ Sa aba namin ngayon, sapagkat kami ay nagkasala!+ 17  Dahil dito ay nagkasakit ang aming puso.+ Dahil sa mga bagay na ito ay lumabo ang aming mga mata,+ 18  Dahil sa bundok ng Sion na nakatiwangwang;+ mga sorra ang lumalakad doon.+ 19  Kung tungkol sa iyo, O Jehova, ikaw ay uupo hanggang sa panahong walang takda.+ Ang iyong trono ay sa sali’t salinlahi.+ 20  Bakit mo kami nililimot magpakailanman,+ na iniiwan mo kami sa kahabaan ng mga araw?+ 21  Panumbalikin mo kami sa iyo,+ O Jehova, at kaagad kaming manunumbalik. Bigyan mo kami ng mga bagong araw gaya noong sinaunang panahon.+ 22  Gayunman, lubusan mo kaming itinakwil.+ Lubha kang nagalit sa amin.+

Talababa