Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Panaghoy 4:1-22

א [Alep] 4  O ano’t ang gintong kumikinang ay lumabo, ang mainam na ginto!+ O ano’t ang mga batong+ banal ay nabuhos sa bukana ng lahat ng lansangan!+ ב [Bet]   Kung tungkol sa mahahalagang anak ng Sion,+ yaong mga tinimbangan ng dalisay na ginto,O ano’t ibinibilang silang gaya ng malalaking bangang luwad, ang gawa ng mga kamay ng magpapalayok!+ ג [Gimel]   Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso. Pinasususo nila ang kanilang mga anak.Ang anak na babae ng aking bayan ay nagmamalupit,+ tulad ng mga avestruz sa ilang.+ ד [Dalet]   Ang dila ng pasusuhin ay dumikit sa ngalangala nito dahil sa uhaw.+Ang mga bata ay humihingi ng tinapay.+ Walang sinumang namimigay nito sa kanila.+ ה [He]   Silang dating kumakain ng mga bagay na kaiga-igaya ay sinapitan ng panggigilalas sa mga lansangan.+Silang dating inaaruga sa iskarlata+ ay napilitang yumakap sa mga bunton ng abo.+ ו [Waw]   Ang kaparusahan sa kamalian ng anak na babae ng aking bayan ay mas malaki pa kaysa sa kaparusahan sa kasalanan ng Sodoma,+Na giniba na waring sa isang sandali, at hindi binalingan ng alinmang kamay upang tulungan.+ ז [Zayin]   Ang kaniyang mga Nazareo+ ay mas dalisay kaysa sa niyebe;+ mas maputi sila kaysa sa gatas.Sila sa katunayan ay higit na mapula+ kaysa sa korales; ang kanilang kinang ay gaya ng safiro.+ ח [Ket]   Ang kanilang anyo ay mas maitim kaysa sa kaitiman mismo. Hindi sila nakikilala sa mga lansangan.+Ang kanilang balat ay nanguluntoy sa kanilang mga buto.+ Iyon ay naging kasintuyo ng punungkahoy. ט [Tet]   Mas mabuti pa yaong mga napatay sa pamamagitan ng tabak+ kaysa sa mga napatay sa taggutom,+Sapagkat ang mga ito ay gumugulapay, inulos dahil sa kakapusan ng ani sa malawak na parang. י [Yod] 10  Pinakuluan ng mismong mga kamay ng mga babaing mahabagin ang kanilang sariling mga anak.+Sa isa ay naging gaya sila ng tinapay ng kaaliwan sa panahon ng pagkasira ng anak na babae ng aking bayan.+ כ [Kap] 11  Isinagawa ni Jehova ang kaniyang pagngangalit.+ Ibinuhos niya ang kaniyang nag-aapoy na galit.+At pinalalagablab niya sa Sion ang isang apoy, na lalamon sa mga pundasyon nito.+ ל [Lamed] 12  Ang mga hari sa lupa at ang lahat ng tumatahan sa mabungang lupain ay hindi naniwala+Na ang kalaban at ang kaaway ay papasok sa mga pintuang-daan ng Jerusalem.+ מ [Mem] 13  Dahil sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, sa mga kamalian ng kaniyang mga saserdote,+Naroon sa gitna niya yaong mga nagbubuhos ng dugo ng mga matuwid.+ נ [Nun] 14  Pagala-gala silang parang bulag+ sa mga lansangan.+ Narumhan sila ng dugo,+Anupat walang sinumang makahipo sa kanilang mga kasuutan.+ ס [Samek] 15  “Lumayo kayo! Marurumi!”+ ang itinatawag nila sa kanila.“Lumayo kayo! Lumayo kayo! Huwag kayong humipo!”+Sapagkat nawalan sila ng tahanan.+ Pagala-gala rin sila.+ Ang mga tao ay nagsabi sa gitna ng mga bansa: “Hindi na sila maninirahang muli bilang mga dayuhan.+ פ [Pe] 16  Pinagwatak-watak sila ng mukha ni Jehova.+ Hindi na niya sila titingnang muli.+Ang mga tao ay tiyak na hindi magpapakita ng konsiderasyon kahit sa mga saserdote.+ Tiyak na hindi sila magpapakita ng lingap kahit sa matatandang lalaki.”+ ע [Ayin] 17  Habang naririto pa kami, ang aming mga mata ay nagmimithi ng tulong sa amin nang walang kabuluhan.+Noong naghahanap kami ay tumingin kami sa isang bansa na hindi makapagdadala ng kaligtasan.+ צ [Tsade] 18  Pinaghahanap nila ang aming mga hakbang+ anupat walang lumalakad sa aming mga liwasan.Ang aming kawakasan ay malapit na. Ang aming mga araw ay natapos, sapagkat ang aming kawakasan ay dumating na.+ ק [Kop] 19  Ang mga tumutugis sa amin ay mas matulin pa kaysa sa mga agila sa langit.+Sa mga bundok ay mainitan nila kaming tinutugis.+ Sa ilang ay inaabangan nila kami.+ ר [Res] 20  Ang mismong hininga ng mga butas ng aming ilong,+ ang pinahiran ni Jehova,+ ay nabihag sa kanilang malaking hukay,+Ang isa na sinasabi namin: “Sa kaniyang lilim+ ay mabubuhay kami sa gitna ng mga bansa.”+ ש [Sin] 21  Magbunyi ka at magsaya,+ O anak na babae ng Edom,+ yamang tumatahan ka sa lupain ng Uz.+Sa iyo rin ay daraan ang kopa.+ Ikaw ay malalasing at magpapakita ng iyong kahubaran.+ ת [Taw] 22  Ang iyong kamalian, O anak na babae ng Sion, ay natapos na.+ Hindi ka na niya muling dadalhin sa pagkatapon.+Ibinaling niya ang kaniyang pansin sa iyong kamalian, O anak na babae ng Edom. Inilantad niya ang iyong mga kasalanan.+

Talababa